Thursday, October 31, 2019

NOBYEMBRE 1 SA KASAYSAYAN

Nobyembre 1,  1542
VILLALOBOS NAGLAYAG PATUNGONG PILIPINAS

Inumpisahan ni  Ruy Lopez de Villalobos ang kanyang ekspedisyon sa Pilipinas mula 
Barra de Navidad, New Spain o Nueva España (Mexico ngayon).
Narating niya ang Mindanao noong Pebrero  2, 1543. Siya ang unang Kastila na nagalugad ang nasabing isla
Siya ang nagbigay sa bansa ng pangalang   
"Felipinas" sa karangalan ni  Crown-prince, Don Felipe of Spain, kalaunan ay nagiing King Felipe II. 
Tinutulan ng Portuguese, na nagtatag na sa  Moluccas, ang tangka ng mga Espanyol na manirahan sa kalapit na mga isla at itinuring si Villalobos na kaaway.
Makaraan ang dalawang taong paghihirap at pakikibaka ay naglayag siya pabalik ng Espanya, ngunit dinaluan ng malalang lagnat na kanyang ikinamatay sa Amboina sa araw ng Biyernes Santo noong  1546.

No comments:

Post a Comment