lakbayerong pogi

Thursday, October 31, 2019

UNANG IVF BABY RABBIT

Nobyembre 1, 1939:  UNANG IVF RABBIT

Ipinakita sa publiko sa ginanap na  12th Annual Graduate Forthnight sa New York Academy of Medicine ang unang rabbit na isinilang mula sa artificial insemination.
Ang rabbit ay produkto ng eksperimento ni  Dr Gregory Pincus. Pinag-aralan ni .Dr. Pincus ang hormonal biology steroidal hormones, at kung paano naapwktuhan ng hormones ang reproductive systems ng mammals.
 Nakalikha siya ng rabbit mula sa in vitro fertilization (IVF) noong 1934.. Taong  1936, inilabas nkya ang kanyang ginawa. 
Upang mabuo ang  in vitro rabbit baby, tinangfal ni  Pincus ang  ovum mula sa inang rabbit at inilagay sa pinaghalong saline at estrone na solution. Ibinalik niya ang fertilized na itlog sa rabbit. Ang eksperimento ni Pincus sy tinawag na "Pincogenesis.
Ang kanyang eksperimento ay inilagay sa cover ng 
Look magazine noong  1937.

NOBYEMBRE 1 SA KASAYSAYAN

Nobyembre 1,  1542
VILLALOBOS NAGLAYAG PATUNGONG PILIPINAS

Inumpisahan ni  Ruy Lopez de Villalobos ang kanyang ekspedisyon sa Pilipinas mula 
Barra de Navidad, New Spain o Nueva EspaƱa (Mexico ngayon).
Narating niya ang Mindanao noong Pebrero  2, 1543. Siya ang unang Kastila na nagalugad ang nasabing isla
Siya ang nagbigay sa bansa ng pangalang   
"Felipinas" sa karangalan ni  Crown-prince, Don Felipe of Spain, kalaunan ay nagiing King Felipe II. 
Tinutulan ng Portuguese, na nagtatag na sa  Moluccas, ang tangka ng mga Espanyol na manirahan sa kalapit na mga isla at itinuring si Villalobos na kaaway.
Makaraan ang dalawang taong paghihirap at pakikibaka ay naglayag siya pabalik ng Espanya, ngunit dinaluan ng malalang lagnat na kanyang ikinamatay sa Amboina sa araw ng Biyernes Santo noong  1546.

Wednesday, October 30, 2019

KASAYSAYAN NG ALL SAINTS' DAY


Ang  All Saints' Day o  Feast of All Saints, ay araw ng paggunita sa mga pinagpalang kaluluwa na pinaniniwalaang  nasa langit  na.
Nakaugalian na bilang tradisyon ang pagdalaw sa mga yumaong  mahal sa buhay sa sementeryo.
Ang pinakaunang paggunita ng  All Saints' Day ay naitala noong 4th century, ngunit naging malinaw lang noong ikapitong siglo sa ilalim ni Pope Boniface IV, na ginawang sagrado ang Parthenon ng Rome para kay Virgin Mary at lahat ng Martyr noong Mayo 13 noong 609 AD.
Ginawa ni Pope Gregory III (731-741) ang All Saints' na banal  na araw sa kalagitnaan ng ikawalong siglo at inilipat ito sa Nobyembre 1. Inatasan ni  Pope Gregory III ang kanyang mga pari na ipagdiwang ang Feast of All Saints taun-taon.
Ang selebrasyon ay orihinal na ipinagdiriwang lang sa diocese ng Rone, ngunit pinalawak ni  Pope Gregory IV (827-844) ang kapistahan sa buong Simbahan.


Sunday, October 27, 2019

TARA LAKBAY TAYO!

Lakad. Sakay. Tanaw dito, tanaw doon. Mag-uusyoso kung meron napapansin na kakaiba o simpleng dikta ng kuryosidad.
Ilan lang naman yan sa mga aksyon masisilip sa lakbayero.
Eto, tatalupan ni Lakbayerong Pogi ang ilan munang eksena na sumusulpot habang, ika  nga, 'you're about to explore and conquer'.
Lakbay probinsya muna tayo. Hayaan muna natin ang lakbay Maynila para sa umpisa relax tayo at hindi nabubuwisit sa sikip ng trapiko na ewan kung malulutas pa o hirap solusyunan o hayaan na lang.
Bitbit, sukbit, kipkip, o gamit ang backpack, o basta anumang gustong lagyan ng mga pwedeng dalhin, ay larga na si Pogi.
Walang direksyon. Basta bumiyahe lang para masdan ang dinaraanang countryside.
Aircon o ordinary bus?
Wala naman yan kay Lakbayerong Pogi. Importante naman ang deskripsyon ng saya at fulfillment ng paglalakbay.
Maraming distraksyon. Huwag pansinin dahil hindi natin sarili sng mundo at may kanya-kanyang gawi ang bawat isa. Ituon ang pansin sa rason ba't ginagawa ang lakwatsa.
May iba ring purpose ang kasabay  sa biyahe.
Natural na ang pag-akyat ng mga naglalako ng pagkain, ng makukukot na mani, pampaalis ng gutom na nilagang itlog, tubig at kung ano pa. Iba ang Pinoy. Nakakakita ng puwedeng pagkakitaan kahit mahirap, nakakapagod at nakakaubos ng enerhiya.
Ang nangyayari sa loob ay repleksyon ng totoong buhay.
Sa labas, naroon ang salamin ng kalikasan na magbibigay sa atin ng ginhawa at masarap na pakiramdam. Ang nalalagpasang malawak na palayan na nakakalina, ang bulubunduking lupa na luntian, ang mga bahay na nasa gilid ng lansangan at iba pang tanawin na aagaw sa paningin ng naglalakbay... Sarap namnamin at itatak sa isipan at diwa ng paghanga.